Untitled-design-3.png

Bernardo O. Aguay Jr.

Calabanga, Camarines Sur

Affiliation

Artist (Artista), Manager (Tagapamahala), Researcher (Mananaliksik), Teacher (Guro/Tagapagsanay), Organizer (Tagapag-organisa), Critic (Kritiko), Direktor, Kaboronyogan Bikol Cultural Network., Kaboronyogan kan mga Artistang Bikolano (KAB)

Home » Artists » Luzon » Bernardo O. Aguay Jr.

Bio

Si Bernardo O. Aguay Jr. a.k.a. Buboy Aguay ay isang artista, manunulat at direktor ng tanghalan na tubong San Roque, Calabanga, Camarines Sur. Nagsimula ang kanyang pakikilahok sa ganitong gawain noong 1988 nang maisulat niya ang dulang Mga Mumunting Yagit ng Lipunan na kanya ring dinirehe at isa sa mga nagsiganap at naitanghal ito sa siyam na lugar sa Cam. Sur. Ginawaran din siya ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature 2011, Dulang May Isang Yugto, “POSPORO” Third Prize Winner, 2011; NCCA Writers Prize, Drama Category- Bikol, 2017; at Gawad Parangal sa Alagad ng Sining, 2020. Ilan sa kanyang mga sinulat at dinerehe ay ang mga sumusunod: “Simeon A. Ola,” entry to the Second National Theater Festival, Cultural Center of the Philippines, February 1996; “Manto,” A Bikol Zarsuela presented in honor of the 300 Years Devotion to Ina, sponsored by the Archdiocese of Caceres in cooperation with the National Commission for Culture and the Arts, 2009-2010;Impersoneytor, dulang may isang Yugto sa wikang Filipino, naipalabas bilang birtwal na panoorin sa panahong ng pandemya kaugnay sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Sining sa pangunguna ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) bilang bahagi ng e-Pasundayag 2021. Ito ay naisahimpapawid sa Opisyal na Fb page ng NCCA, ika-19 ng Pebrero 2021, 7PM-9PM; Sakristan Mayor, dulang may isang Yugto sa wikang Filipino, naipalabas sa Alaminos, Pangasinan, November 4-6, 2019 kaugnay sa Tanghal National Theater Festival 2019 sa pangunguna ng ARTIST, Inc at ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA). Siya ay kasalukuyang Representative ng Southern Luzon Bikol ng NCCA National Committee on Dramatic Arts mula 2020 -2022 at kasalukuyang Punong-abala ng Kaboronyogan Bikol Cultural Network (KABO) na naitatag noong 1985 at Artistic Director ng Kaboronyogan kan mga Artistang Bikolano na kanyang itinatag bilang affiliate organization ng KABO na itinatag noong 2015.

Email Address

bernardwaters777@gmail.com

EXPLORE

More Artists

Previous
Next