Hernandez, Fredyl

Hernandez, Fredyl B.

19 EVP Mansion, 2nd St., Riverside Village, Ortigas Ave. Ext., Sta. Lucia, Pasig City, NCR

Affiliation

Home » Artists » NCR » Hernandez, Fredyl B.

Bio

Email Address

fredylcsb@gmail.com

Latest Productions

Author: Hernandez, Fredyl B.
Year: 2020
Synopsis:
Taong 2009 sinimulan ng Philippine Educational Theater Association (PETA) ang isang programang nasa ilalim ng institutional thrust na theater for development (TFD), ang Advocate Right to Safety (ARTS) Zone Project for Children na mas kilala sa tawag na ARTS Zone Project. Ito ay isang adbokasiyang pandula na nagsusulong ng karapatang pambata partikular ang karapatang maproteksyunan sa karahasang nakatago sa disiplina gaya ng pamamalo, pananakit, paninigaw, pamamahiya, at iba pang korporal na pagpaparusa. Isinusulong ng adbokasiya ang positibong disiplina bilang alternatibo sa karahasan ng korporal na parusa.

Uusisain ng pag-aaral kung papaanong ang dula at dulaan ay nagiging daan upang buwagin ang kultura ng pamamalo at pananakit sa ngalan ng pagdidisiplina. Ang estetika ng pakikipagdayalogo ay lilimiin mula sa layuning makapagbukas ng mga posibilidad sa mga manonood at mga kausap ng proyekto sa kasalukuyang problematisasyon ng pagdidisiplina ng mga bata.

Ang estetisisasyon ng dayalogo ay ikinokontrast sa pamamayani ng kultura ng dahas sa Pilipinong lipunan. May lapit at ugnayan ang pamamalo at pananakit ng mga bata sa maalwang pagtanggap ng publiko sa karahasan bilang bahagi ng pang-araw-araw na buhay. Ang korporal na parusa ay walang dudang behikulo ng lehitimisasyon ng kultura ng dahas. Ang kapangyarihan ng dula at dulaan sa pagsusulong ng dayalogo ay naglalayon ng rekonstruksyon ng kulturang namanhid na ng dahas.

Palalamnan ang estetika ng dayalogo mula sa analisis ng banner play ng adbokasiya, ang Rated: PG, at ang dalawang bersyon nito na Ahh…Bakus ng Youth Advocate for Theater Arts (YATTA) ng Dumaguete City at Si Al buda ang Tsinelas ng Sining Banwa ng Legazpi City. Maliban pa sa Rated: PG, uusisain din ang iba pang malilikhaing gawain sa kabuuang tinakbo ng ARTS Zone Project sa dayalogong iniaalok nito sa publiko.

Susing salita: adbokasiyang pandula, estetikang pandula, dayalogo, theater for development, karapatang pambata

EXPLORE

More Artists

Previous
Next