VIS-Kenneth-Alvin-Cinco.jpg

Kenneth Alvin Cinco

Tacloban City, Leyte

Affiliation

Artist (Artista), Critic (Kritiko), Alumni, LNU Sirang Theater Ensemble

Home » Artists » Visayas » Kenneth Alvin Cinco

Bio

Si Kenneth Alvin L. Cinco ay kasalukuyang nagtatapos ng Master of Arts in Teaching Social Science sa Leyte Normal University. Sa nasabing paaralan din siya nakapasok sa iba’t-ibang larangan ng sining katulad ng malikhaing pagsulat sa Waray at teatro. Ang Leyte Normal University Sirang Theater Ensemble ang nagbigay sa kanya ng opportunidad na makapagtanghal sa lokal at sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas sa ilalim ng mga programa at inisyatib ng NCCA. Kabilang sa mga palihan sa sining ng teatro na kanyang nasalihan ay ang Theater for Development Workshops ng CCP-Tanghalang Pilipino at Youth Advocates for Theater Arts ng Dumaguete. Sa larangan ng malikhaing pagsulat, siya ay natanggap sa iba’t-ibang mga palihan sa bansa kagaya ng Lamiraw Creative Writing Workshop, Cornelio Faigao Creative Writing Workshops at Iligan National Writers Workshop. Isa siyang miyembro ng Katig Writers Network in Region 8. Sa ngayon ay isa siyang guro sa Visayas State University – Tolosa Campus.

Email Address

kennethalvin.cinco@vsu.edu.ph

EXPLORE

More Artists

Previous
Next