IMG_3117-Vladimeir-Gonzales.jpg

Vladimeir B. Gonzales

Varsity Hills, Barangay Loyola Heights, Quezon City, Metro Manila

Affiliation

Fellow, Likhaan: UP Institute of Creative Writing

Home » Artists » NCR » Vladimeir B. Gonzales

Bio

Si Vlad Gonzales ay Propesor sa Unibersidad ng Pilipinas, kung saan siya nagtuturo ng malikhaing pagsulat, panitikan at kulturang popular. Naging fellow siya para sa mga pambansang palihan (UP noong 2002 at 2009, Iyas noong 2005, Iligan noong 2005), at kasalukuyang writing fellow sa UP Institute of Creative Writing. Nakapaglimbag siya ng dalawang libro sa Milflores Publishing House—Isang Napakalaking Kaastigan at A-side/B-side: ang mga Piso sa Jukebox ng Buhay Mo. Inilimbag naman ng University of the Philippines Press ang kanyang mga librong Lab: mga Adaptasyon at iba pang Laro para sa mga Klaseng Panlaboratoryo (2018), Mga Tala ng Isang Superfan: Fan Poetry at Fan Fiction (2019), at Sa Kanto ng Makabud at Mangga, May Eskuwela (2020). Kasama siyang nagsulat para sa Rizal X ng Dulaang UP noong 2011, at isinalin ang mga sumusunod na dula: Elevator Action (adaptasyon ng The Dumb Waiter, Dulaang Laboratoryo, 2012); Pitong Patibong (adaptasyon ng The Seven Deadly Sins of the Petty Bourgeoisie, Dulaang Laboratoryo, 2013), Adarna (adaptasyon ng Ibong Adarna, Dulaang UP, 2013), Mal (mula sa The Trojan Women ni Euripides, Dulaang Laboratoryo, 2014; UP Los Baños, 2017; Polytechnic University of the Philippines, 2018), Meta: mga Aralin sa Pagsasalaysay (tampok ang mga kuwento ni Pilandok at adaptasyon ng The Unravelling ni Fin Kennedy, Dulaang Laboratoryo, 2016), Ang Puting Ahas (salin ng The White Snake ni Mary Zimmerman, UP Dulaang Laboratoryo 2016), Deliryo sa El Niño (adaptasyon ng A Midsummer Night’s Dream ni William Shakespeare, De La Salle University Dasmariñas, 2016), Si Pilandok at ang Batang Hindi Makauwi (Tingkala, UP Los Baños, 2018), Ang Pitong Pagaspas ng Adarna (UP Los Baños, 2019), at Prinsipe Bahaghari (adaptasyon ng The Little Prince ni Antoine de Saint-Exupéry, Teatrong Mulat 2021), at Si Alice Usisa, sa Lupain ng Hiwaga (UP Los Baños, 2022). Itinanghal ang orihinal niyang dulang Si Nelson, ang Nanay, ang Pancit Canton para sa Short and Sweet Manila Festival (2015), ang We Choose to Go to the Moon para sa Fringe Manila International Arts Festival (2016), at ang Arkanghel sa Maccrotel bilang bahagi ng paglulunsad ng Nomina Nuda Gallery (2018). Makikita ang kanyang mga sulatin at larawan sa kanyang Website na vladgonzales.net.

Email Address

vbgonzales@up.edu.ph

EXPLORE

More Artists

Previous
Next