BISYON
Maging sentrong organisasyong pang-kultura ng Tytana na magpapanday sa kamalayan, kakayahan, at pag-uugali ng mga mag-aaral, guro, kawani ng paaralan, at mga institusyon at komunidad na katuwang nito gamit ang sining, tungo sa pagbubuo ng isang pambansang pagkakakilanlan at progresibong komunidad. MISYON Isasabuhay at ipapalaganap ang mga sumusunod:
❖ Pagpapanday at paggamit ng sining at haraya
❖ Maging uliran at huwarang lider sa kapwa mag-aaral at mga kawani ng paaralan
❖ Lumikha at magtanghal ng mga dula, awit, sayaw at iba pang likhang-sining na tumatalakay sa mga isyung panlipunan
❖ Pagpapalaganap ng makabayang kaisipan
❖ Lumikha at maglaan ng oras at espasyo na huhubog sa gawi ng isang tunay na Pilipino