Layunin ng TABAK-Baguio ang pagpukaw, pag-organisa, at pagpapakilos sa kabataan ng Baguio tungo sa pagtataguyod ng teatro at mga kaugnay na sining bilang bahagi ng paglilinang ng kulturang pambansa, siyentipiko, mapanlikha, at pangmasa na maglilingkod sa interes ng sambayanang Pilipino at sa abot ng aming makakaya.