Ang Tanghalang Bulihan ay opisyal na Organisasyong Mandudula ng Bulihan Integrated National High School. Naitatag noong Hunyo 2013 na may layuning: (A) Hubugin ang talento ng mga mag-aaral sa pag-arte, pag-awit at pagsayaw. (B) Pasiglahin ang Panitikang Pilipino sa pamamagitan ng Sining Tanghalan. (C) Imulat ang mga Kabataan sa Kamalayang Pilipino at sa kultura ng lalawigan.